Anne Curtis nagpasa ng kanyang aplikasyon para sa Tokyo Marathon

Matapos sumali sa New York at London Marathon ang actress-host na si Anne Curtis-Smith, ay may balak pa itong sumali sa 42.2 Tokyo Marathon sa Japan.

Kinumpirma ni Anne na muli siyang tatakbo matapos siyang makapagpasa ng kanyang aplikasyon para makasali sa 42.2 kilometer Marathon sa Japan.

Matatandaang unang tinakbo ni Anne ang marathon sa New York noong 2016 at sa London noong 2018.


Gaganapin ang Tokyo Marathon sa March 1, 2020.

Facebook Comments