Anne Curtis, napa-wow ang mga netizen sa kaniyang “Dyosa” looks

27

Muling pinatunayan ng aktres na si Anne Curtis na siya pa rin ang nag-iisang “Dyosa” sa Philippine television.

Ito ay matapos magpost ng mga larawan si Anne na sa kaniyang Instagram kung saan makikita ang kaniyang beach wave hair habang nasa initan.


Hindi napigilan ng kapwa aktres nito na si Bea Alonzo na magkomento ng “Dyosa!!! Nasan ang hustisya?!?!?” sa larawan ni Anne.

Pagbibiro naman ng matalik na kaibigan ni Anne na si Isabelle Daza na ito ang Tinder picture ng aktres.

Namangha naman ang netizens sa “ageless beauty” ni Anne kahit kasal na kay Erwan Heussaff.

Facebook Comments