Annual General Membership Assembly ng mga electric cooperatives, tuloy sa kabila ng takot sa COVID-19, ayon sa NEA

26

Inanunsyo ng National Electrification Administration o NEA na tuloy ang nakakasang Annual General Membership Assembly o AGMA ng mga electric cooperatives sa kabila ng pangamba sa COVID-19.

Ito ay sa harap ng payo ng Department of Health (DOH) na iwasan muna ang mga pampublikong pagtitipon.


Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, tuloy ang AGMA ng Northern Mindanao Electric Cooperatives Association, Inc. Ito’y sa kondisyon na magpatupad ang mga power distribution utilities ng kaukulang preventive at precautionary measures na inirekomenda ng DOH.

Una na ring inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ligtas o malayo sa panganib ng COVID-19 ang mga public gatherings, meetings at festivals basta nasusunod ang hakbang na inilatag ng DOH.

Facebook Comments