Anthony Davis, nagtamo ng injury sa laban kontra Denver Nuggets

39

Hindi na natapos pa ng Los Angeles Lakers forward na si Anthony Davis ang kanilang laro kontra sa Denver Nuggets.

Ito ay matapos na magtamo ang Lakers superstar ng injury sa kaniyang kanang paa sa first half ng laban.


Nakakuha pa ng dalawang free throw si Davis kung saan inilabas na rin ito sa laro habang may natitira pang higit 2 minuto at dumeretso na siya sa locker room.

Nabatid na bago pa man magsimula ang laro ay may iniinda nang injury si Davis sa kaniyang achilles tendon pero nakapagtala pa rin siya ng 15 na puntos.

Facebook Comments