Anthony Edwards, napili bilang top pick ng Minnesota Timberwolves sa 2020 NBA rookie draft

96

Pinili ngayon ng Minnesota Timberwolves bilang top pick ng 2020 National Basketball Association (NBA) rookie draft si Anthony Edwards na mula sa University of Georgia.

Naging usap-usapan ang pagpili kay Edwards bilang top pick ng Timberwolves dahil inaasahan ng karamihan na si Lamelo Ball ang siyang mangunguna sa rookie draft.


Makakasama ng 6-foot-5 na si Edwards ang mga NBA star na sina D’Angelo Russell at Karl Anthony Towns kung saan umaasa ang management ng Wolves na magkakaroon na ng improvement ang kanilang koponan sa susunod na season ng NBA.

Kinuha naman ng Golden State Warriors si James Wiseman bilang number 2 pick habang si Ball ay napili ng Charlotte Hornets bilang third pick.

Facebook Comments