Monday, July 13, 2026

ANTI-BULLYING DRIVE, INILUNSAD SA BRIGADA ESKWELA SA SAN CARLOS CITY HABANG PAPALAPIT ANG PASUKAN

Habang abala ang mga paaralan sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase, nagsagawa ng kampanya laban sa bullying sa San Carlos City para matiyak umano na ligtas na magbabalik-eskwela ang mga mag-aaral.

Noong Hunyo 2, nagsagawa ang San Carlos City Police Station ng lecture tungkol sa anti-bullying sa Payar Elementary School sa Barangay Payar bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026.

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang na binigyan ng kaalaman hinggil sa masamang epekto ng pambu-bully sa kalusugang pangkaisipan, pag-aaral, at pakikisalamuha ng mga bata.

Sa isinagawang talakayan, tinalakay ng mga pulis ang iba’t ibang anyo ng bullying at ang mga paraan upang maiwasan at agad na matugunan ang mga insidente nito sa loob at labas ng paaralan.

Ayon sa mga awtoridad, mahalagang maagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral at mga magulang upang makalikha ng mas ligtas at mas maayos na kapaligiran sa pag-aaral bago magsimula ang bagong school year. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments