ANTI-COLORUM OPERATION | Ilang taxi, huli sa NAIA

42

Pasay City – Ilang taxi muli ang nahuli sa ikinasang operasyong kontra kolorum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Mismong si LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang nakahuli sa mga taxi driver na may mga pasong prangkisa. Dalawang taxi naman ang nahulihan ng kambal na plaka habang ang iba ay traffic ticket lang ang naipakita. Dinala na sa impounding area ang mga nahuling taxi habang pagmumultahin naman ang mga operator nito ng hindi bababa sa limang libong piso (P5,000).

Facebook Comments