ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN | Police Lady Bike Patrollers at OPLAN Wild Wild West, umarangkada na sa Pasig City

23

Pasig City – Umarangkada na ang “Police Lady Bike Patrollers” at “OPLAN Wild Wild West” ng Pasig City police.

Layon ng mga nasabing programa na palakasin ang anti-criminality campaign sa lungsod lalo na ngayong holiday season.

Ang police lady bike patrollers ay programa ng Eastern Police District (EPD).

Gamit ang bisekleta, magiging trabaho ng mga babaeng pulis na suyurin ang mga barangay sa Pasig City gayundin ang matataong lugar gaya ng mall, palengke, simbahan at iba pa.

Facebook Comments