ANTI-DRUG OPERATION | Anak ng dating mayor sa Cebu, arestado sa iligal na droga

Cebu – Arestado ang isang anak ng dating mayor sa Cebu sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Guadalupe.

Nakilala ang nadakip na si Junie Gungob, anak ni dating mayor Avelino Gungob ng bayan ng Consolacion.

Maliban kay Gungob nasakote din ang iba pang suspek na sina Aileen Bornales, Clint Fernandez na target ng operasyon at dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.


Iginiit naman ni Gungob na itinanim daw ng raiding team ang mga ebidensyang nasabat sa kaniya matapos malaman na isa siyang kagawad sa Barangay Casili.

Facebook Comments