Anti-POGO Bill, aprubado na sa plenaryo ng Senado

Inaasahang malalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos at maisasabatas na ang panukalang batas na nagbabawal ng mga POGO sa bansa.

Sa botong 23 senador na pumabor sa panukala at wala namang tumutol ay inaasahang tuluyang ipagbabawal at hindi na makababalik pa sa bansa ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa ngayon kasi ay tanging executive order pa lang mula sa presidente ang nagbabawal sa mga POGO pero wala pang batas.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, pangunahing nagsusulong ng POGO ban sa Senado, hindi lang basta iba-ban ang mga POGO kundi sasamsamin din ng pamahalaan ang mga ari-arian at kagamitan ng mga ito upang hindi na muling magamit.

Naunang sinabi ni Gatchalian na kailangang maisabatas ang POGO ban upang hindi maging madali ang pag-aalis ng ban kahit pa magpalit ng pangulo ng bansa.

Facebook Comments