ANTI-SMOKE BELCHING OPERATIONS ISINAGAWA NG LTO AT EMB SA LA UNION

21
Nagsagawa ng Anti-Smoke Belching Operations ang Land Transportation and Regulatory Board at Environment and Natural Resources Region 1 sa Bauang La Union.
Gamit ang opacimeter at gas analyzer ng EMB isinagawa ang inspeksyon at testing sa mga sasakyan sa kahabaan ng brgy. Nagrebcan sa bayan.
Nasa 50 diesel powered vehicle at 75 gasoline powered vehicle sumailalim sa pagsusuri ng nabanggit na bayan.

Pinayuhan ang mga may-ari ng sasakyan na bumagsak sa test na magsagawa ng preventive maintenance sa kanilang mga sasakyan.
Layunin ng provincial government na mapangalagaan ang kalidad ng hangin sa probinsiya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga anti-smoke belching test. | ifmnews
Facebook Comments