Apat, arestado sa ilegal na sugal at pag-iinom ng alak sa Las Piñas City

44

Kalaboso ang apat na kalalakihan matapos mahuli sa aktong nagsusugal at nag-iinuman sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rey Dalanon. Joey Isanan, Ajerico Dequiroz at Armando Gravador.


Nasakote ang apat matapos ikasa ng Las Piñas City Police Station ang kanilang Oplan Galugad sa may Hernandez Compound sa nasabing barangay.

Nakuha sa mga suspek ang manok na panabong, perang pamusta na nasa higit P800 at isang bote ng alak.

Bukod sa iligal na pagsusugal at paglabag sa City Ordinance 27-88 o ang pag-iinom sa pampublikong lugar, nahaharap din ang apat sa paglabag sa City Ordinance 1689-20 dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments