Apat katao, arestado sa ilegal na droga sa Caloocan City

177

Manila, Philippines – Arestado isang hinihinalang drug pusher at tatlong parokyano nito sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jennifer Guadalupe 32 ,anyos Jeffrey Bengco 28, anyos, Shalimar Jonale 18 anyos , at Leony Ng 58 anyos.


Ikinasa ang buy bust operation kagabing alas 7:30 ng Police Community Precinct 1 Drug Enforcement Unit ng Caloocan sa Barangay 151 Bagong Barrio.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya target ng operation si Guadalupe na kilalalng tulak umano ng ilegal na droga sa Brgy.

Napag-alaman na positibong nakabili ng shabu ang pulis na nagpanggap na bibili ng shabu sa suspek sa kanyang bahay sa # 55 Pangako Street Caloocan City.

Habang ang tatlong iba pa ay naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga.




Nakumpiska sa mga suspek ang labing limang sachet at isang medium size ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa mahigit sampung libong piso.

Mariing itinanggi naman ni Guadalupe na sa kanya ang mga ilegal na drogana nakuha, inutusan lang umano siya na ibenta ang mga shabu habang ang tatlong mga suspek naman ay aminadong gumagamit ng shabu.

Napag-alaman na nakulong din ang asawa ni Guadalupe dahil din sa paggamit ng ilegal na droga.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act 2002 ang isasampa laban sa apat na naaresto.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments