APAT KATAO NA NAGNAKAW NG BAG NG SEMENTO, BISTADO SA MANAOAG

Huli ang apat na construction workers sa bayan ng Manaoag matapos nakawin ng mga ito ang sako-sakong semento mula mismo sa pinagtatrabahuang construction site.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman ang nawawalang sako ng semento matapos mag-imbentaryo ang inhinyero, habang ang isa pang tauhan din dito ay nakita umanong isinakay ang mga ito sa isang tricycle.

Inakala pa ng trabahador na idedeliver lamang ang mga ito kaya ipinagsawalang bahala ang nakita. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang apat na suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments