Apat katao, patay sa magkakahiwalay ng operasyon ng otoridad

70

Caloocan City – Patay ang apat na katao kabilang ang isang lalaking sangkot umano sa shabu tiangge sa lugar.

Napatay sa police operation si Lemon Gonzales, 35-anyos sa Phase 2, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan, kaninang madaling araw.


Ayon sa ina ni Lemon na si Elena – nasa banyo ang kanyang anak dahil masakit ang tiyan nito nang bigla na lamang itong paputukan ng mga otoridad.

Nabatid na kabilang si Lemon sa drugs watchlist at pinaghihinalaang isa sa mga sangkot sa isang shabu tiangge sa kanilang lugar.

Habang sa phase 9 naman napatay din ng mga otoridad sina Joel Acle at Erickson Lakbayin.

Ayon sa imbestigador, sakay ng motorsiklo ang dalawa at isang hindi pa nakikilang lalaki nang patigilin sila sa checkpoint dahil walang helmet.




Pero nilagpasan lang daw ng tatlo ang checkpoint kaya hinabol sila.

Bumaba sa motorsiklo sina Acle at Lakbayin at tumakbo papunta sa bahay ni Acle kung saan doon na sila napatay ng mga pulis.

Isa pang lalaki ang napatay sa Barangay 188, Tala District, bago mag-alas dos ng madaling araw.

Facebook Comments