Nauwi sa pananaksak ang sana ay inuman lamang sa isang birthday party sa bayan ng Bayambang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang apat na kataong nasangkot sa insidente na pawang mga residente ng Brgy. Nalsian Norte, Bayambang, nang magkainitan ang 41 anyos na suspek at isa pang 37 anyos na lalaki.
Sa salaysay ng mga biktima, matapos ang hindi pagkakaunawaan ay umalis ang suspek at nang pagbalik nito ay may dala ng kutsilyo.
Sinubukang saksakin nito ang nakaaway bagamat pinigilan ng apat at sila naman ang pinagsasaksak.
Dinala sa pagamutan ang mga biktima habang nasa kustodiya na rin ng pulisya ang suspek.
Narecover naman ang ginamit na panaksak na nasa pitong pulgada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments