APAT KATAO, SUGATAN SA SALPUKAN NG DALAWANG DUMP TRUCK

Sugatan ang apat na katao sa bayan ng Asingan matapos magbanggaan ang dalawang dump truck.

Mag-aalas singko nang maganap ang naturang aksidente sa bahagi ng Brgy. Dupac Crossing sa bayan.

Sa ulat ng pulisya, patungo umanong timog ang isang trak nang masalpok ng isa pang trak sa gilid nito.

Sa lakas ng impact, basag ang harapang bahagi ng trak, samantalang tumagilid naman ang isa.

Agad namang naitakbo ospital ang apat na sakay ng mga sangkot na sasakyan na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments