Apat na araw n metro wide quake drill, isasagawa ng MMDA sa susunod na lingo

85

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na linggo ang apat na araw na quake drill.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, gagawin ang nasabing quake drill sa July 14, biyernes hanggang July 17, lunes, sa ganap na alas kwatro ng hapon.

Pinili aniya ang nasabing oras para makalahok ang mga office worker, at maisabay sa rush hour.


Aniya, tinawag itong “Metro Manila Shake Drill” na isinasagawa taun-taon para ihanda ang Metro Manila sa posibleng pagtama ng “the big one” o ang magnitude 7.2 na lindol.

Dahil sa aktibidad, inutusan na ng MERALCO na pansamantalang patayin ang suplay ng kuryente sa loob ng limang minuto.

Bukod sa Metro Manila, makikilahok din ang iba pang lalawigan na malapit sa west valley fault kabilang na ang Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, at Pampanga.



Facebook Comments