Apat na Chinese POGO workers, arestado sa ilegal na droga sa Maynila

59

Arestado ang apat (4) na Chinese nationals na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na unang sinita ng mga pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.


Unang napansin ng mga otoridad na naglalakad ang mga suspek at nag-uusap nang malakas habang walang suot na face mask sa Quiapo, Maynila.

Nang sila ay arestuhin ng Manila Police District (MPD), doon na natuklasan ang dalang shabu ng mga suspek na nagkakahalaga ng mahigit 300-thousand pesos.

Kinilala ang mga naarestong Chinese POGO workers na sina: Zhi Qing Zhang, 25; Yukang Ji, 19; Yi Li, 30 at Shitong Zhang, 20, na kapwa nakatira sa 99 Hotel sa Quiapo, Maynila.

Ang mga dayuhan ay sinampahan ng paglabag sa City Ordinace 8627 at Comprehensive Drugs Act of 2012 sa Manila Prosecutors’ Office.

Facebook Comments