
Apat na Norwegian nationals ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na magkaaberya ang kanilang paglalayag sa bahagi ng Virac, Catanduanes.
Sa ulat ng PCG, sumadsad ang Sy Nora Simrad sailboat na kanilang sinasakyan sa bahagi ng Cabugao Bay kahapon.
Matapos makatanggap ng distress call, agad nagsagawa ng aerial surveillance ang Tactical Operations Group ng Philippine Air Force (PAF) matapos makipag-ugnayan ang Coast Guard District Bicol dahil sa pahirapang komunikasyon at visibility.
Ayon sa Coast Guard, ang mabilis at coordinated na operasyong ito ay patunay na gagawin ang lahat upang tumugon sa anumang emergency mapa-pinoy o dayuhan ang hihingi ng tulong sa loob ng ating teritoryo.
Facebook Comments