Apat na drug suspek, arestado matapos makuhaan ng 26 na kilo ng high-grade marijuana sa Caloocan

71

Arestado ang apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) sa Caloocan City.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ng tanghali nang ikasa ang busy-bust operation kung saan nakuha ang 26 kilo na ng high-grade Marijuana na may halagang mahigit ₱3.1 million sa mga suspek.


Kinilala ang mga nahuling mga suspek na sina Christian Jerico Refuerzo y Sandoval aka “Jeric” 27 anyos, John Yecla y Regala aka “Tom” 25 anyos, Ronnel Corpen y Marcos aka “Negneg” 21 anyos, at Bruce Gaslani y Dabillo aka “Bruce” 22 anyos.

Maliban kay Refuerzo na kabilang sa BADAC watchlist ng Brgy. San Agustin, Novaliches, QC, ang tatlong mga naaresto ay mga bagong drug personalities.

Nakuha sa mga suspek ang 23 bricks ng dried marijuana na nakabalot sa transparent plastic, 14 pesos boodle money, ₱1,000 marked buy-bust money at mga kahon para sa marijuana.

Facebook Comments