Apat na guest ng Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na guests sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City.

Ayon kay Atty. Sikini Labastilla, Chief ng Caloocan COVID-19 Command Center, mula sa 43 na natunton, apat ang nagpositive.

Isa sa apat na COVID-positive patients ay nagpapakita ng sintomas habang ang tatlo ay
asymptomatic na kinabibilangan ng isang menor de edad, isang nagpapasusong ina at isang adult .


Inilagay na sa health care facility ang mga nagpositibo habang ang mga kasambahay ng mga ito ay isasailalim sa COVID-19 testing.

Facebook Comments