Apat na indibidwal sa Makati, arestado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga

40

Arestado ang apat na indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng Makati Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Bangkal, Makati City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Gerald Loorluis, 38-anyos; Niña Katrina Santos, 35-anyos; Mike Guialani, 46-anyos at Ryan Dela Cruz, 37-anyos.


Sa ulat ng Southern Police District, nagpanggap na buyer ng droga ang isang pulis kaya nahuli sa akto ang mga drug suspek na nagbebenta ng droga.

Nakuha sa mga ito ang 6.3 gramo ng shabu na may standard drug price na P42,840.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments