Apat na indibidwal, timbog sa isinagawang buy-bust operation ng QCPD

20

Quezon City – Timbog ang apat na mga indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District Drug Enforcement Unit.

Kinlala ang mga suspek na sina Loni Salvador, Edgardo Lim, Norberto Patiño Jr., at Wendy Tiogson.

Ayon kay QCPD station 3 commander superintendent Danilo Mendoza, isinagawa nila ang naturang operasyon sa isang barong-barong sa barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay haharap na ang apat na mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments