Apat na kabataang humablot sa cellphone ni Sec. Bello, handang patawarin ng kalihim; Mga suspek na kabataan, posible pang mabigyan ng employment opportunities

548

Handang patawarin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang apat na mga kabataang nang-snatch o humablot ng kaniyang cellphone.

Nangyari ang insidente noong Biyernes habang sakay ng kaniyang sasakyan si Bello sa tapat ng Mehan Garden.


Ayon kay Bello, sapat nang leksyon sa mga kabataan ang pagkaka-aresto sa kanila.

Naniniwala pa si Bello na lalo lamang masisira ang buhay ng mga kabataan kung itutuloy pa nito ang pagsasampa ng kaso.

Sa kabila ng panghahablot ng cellphone na ginawa sa kalihim, nakahanda naman si Bello na bigyan ng trabaho ang apat na mga kabataan.

Sa katunayan ay inanunsyo ni DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia na ini-atras na ni Bello ang kaso sa mga kabataan.




Facebook Comments