APAT NA KASO NG PAGKALUNOD NAITALA SA PANGASINAN NITONG SEMANA SANTA

Nasa apat na kaso ng pagkalunod ang naitala ng awtoridad sa ibat -ibang bahagi ng Pangasinan nitong nagdaang Semana Santa.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Operations Head Vincent Chui, mula sa ito sa mga bayan ng Aguilar, Pozorrubio, Rosales at Mabini.

Muling nagpaalala ang pamunuan sa sumunod sa swimming policies upang maiwasan ang anumang aksidente.

Binigyang-diin ni Chiu sa mga beachgoers, na huwag maligo sa dagat kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak dahil isa ito sa kadalasang sanhi ng pagkalunod na naitatala sa probinsya.

Samantala, nanatiling nakaalerto ang ahensya sa mga pook Pasyalan ngayong summer vacation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments