Apat na katao, patay sa pamamaril sa Pigcawayan, Cotabato

291

Nasawi ang apat na indibiwal matapos pagbabarilin nang hindi pa nakikilang mga suspek sa National Highway of Brgy. Tubon, Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay North Cotabato Philippine National Police (PNP) Provincial Director Col. Henry Villar, nangyari ang pamamaril kaninang alas-6:30 ng umaga kung saan pinagbabaril ng mga suspek ang apat na sakay ng kulay pulang Toyota Innova na may plate number MAF 2108.


Dead on the spot ang mga biktima na hindi pa tukoy ang mga pagkakakilanlan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments