Apat na lalaking nagsusugal sa Muntinlupa City, arestado

36

Sinalakay ng mga awtoridad ang lugar ng E Rodriguez Avenue, PNR Site Excess Lot, Barangay Tunasan, lungsod ng Muntinlupa pasado alas-4:40 ng hapon kahapon matapos sila makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa gingawang illegal gambling.

Naabutan pa ng mga otoridad na naglalaro ng card game na pusoy sina Mark Anthony Bantugan Lerio, 35-anyos; Pedro Baclao Mandia, 59-anyos; Alfonso Andal Bungag, 46-anyos; at Romeo Mallo Garcia, 43-anyos.


Narekober mula sa mga suspek ang isang set ng deck cards at bet money na nagkakahalaga ng ₱400.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa City Prosecutors Office ng Muntinlupa City laban sa mga suspek sa paglabag sa Presidential Degree 1602 o kaugnay sa ilegal na sugal.

Facebook Comments