Apat na Pinoy crew na minaltrato sa Chinese fishing vessel, nakauwi na ng Pilipinas

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa ang apat na Filipino seafarers ng Chinese fishing vessel “Fu Yuan Yu 873” na sinaklolohan ng Philippine Consulate sa Montevideo, Uruguay.

Ito ay matapos makaranas ng pagmaltrato ang naturang mga Pinoy crew habang nasa barko.

Kinilala ang Filipino seafarers na sina Miguel Enero, Gary Lim, Jimmy Nalagay at Edwin Velado Jr.


Labis-labis naman ang pasasalamat nila sa pag-ayuda ng gobyerno ng Pilipinas.

DZXL558

Facebook Comments