Apat na sasakyan, nagkarambola sa Quezon City

47

Nagkarambola ang apat na sasakyan matapos na nawalan ng preno ang isang truck na may kargang gasul sa bahagi ng Kamias road, Quezon City

Sangkot sa karambola ang dalawang truck na may kargang mga gasul, isang SUV at isang L300 closed van.


Ayon sa driver ng truck na may kargang gasul na si Gil Baloran, nawalan siya ng preno kaya agad siyang kumabig pa-kanan.

Dito na niya tinamaan ang truck na nasa harapang may karga ring gasul.

Tumama naman ito sa isang SUV, na bumangga sa closed van.

Paliwanag ni Baloran, nakahinto ang mga nasa harapang sasakyan dahil sa stop light.

Wala namang naiulat na sugatan, habang iniimbestigahan na ng Quezon City Traffic Sector ang insidente.




 

Facebook Comments