Apat na sundalo, ginawaran ng parangal ng 5th ID ng Philippine Army

374

Gamu, Isabela – Pinangunahan ni Major General Paul Talay Atal, commander ng 5th infantry division ng Philippine Army na nakahimpil sa Camp Melchor De La Cruz Barangay Upi, Gamu, Isabela ang pagbibigay ng parangal sa apat na sundalo ng 50th infantry battalion ng wounded personnel medal dahil sa katapangan na ipinakita makaraang makasagupa ang mga rebeldeng NPA sa Barangay Balatoc, Pasil, Kalinga.

Kinilala ang apat na sina Sgt. Joselito Felipe ng Isabela, Private First Class John Cris Dangatang ng Kalinga, PFC Richard Pag-Or ng Mt. Province at PFC Henry Camatcho ng Isabela.

Matandaan na noong July 2017 nakasagupa ng mga tropa ng 50th IB ang hindi bababa sa dalawampung kasapi ng NPA sa Barangay Balatoc, Pasil, Kalinga na ikinasugat ng nasabing apat na sundalo.


Facebook Comments