Apat na suspek ng gang rape sa Cagayan De Oro, sinampahan na ng kaso

153

Cagayan De Oro, Philippines – Sinampahan na ng kasong rape sa piskalya ng
Cagayan De Oro ang apat na suspek na siya umaong nanggahasa sa 19 anyos na
dalaga.

Nangyari ang insedente noong Miyerkules ng gabi sa barangay Macabalan at
nadakip ang dalawa sa apat na suspek noong Huwebes.

Pinaghahanap na rin ng kapulisan ang dalawa pang suspek.

Napag-alaman na nakipag-inuman sa mga suspek ang biktima kasama ang nobyo
nito pero hindi na napigilan ang insedente dahil sa sobrang kalasingan ng
biktima at nobyo, na siya ring tetestigo sa nangyaring krimen.

Facebook Comments