Apat na Suspek ng Human Trafficking kabilang ang isang Menor de Edad, Arestado sa Santiago City!

71

Santiago City- Arestado ang apat na katao kabilang ang isang menor de edad sa kasong human trafficking matapos maglunsad ng entrapment operation ang mga otoridad sa lungsod ng Santiago.

Kinilala ang mga nasagip na biktimang sina Ronalyn Ronalyn Agno, 22 anyos, resident eng Eastern Samar, Jaquelyn Abella, 22 anyos, Angel Taguas, 20 anyos residente ng Pulang Lupa Uno, Las Piñas City, Arneda Graciano, 31 anyos, may-asawa, residente ng Victory Norte at ang isa pang menor de edad na itinago sa pangalang “Jona” 17 anyos habang ang mga suspek naman ay sina Erwin Dela Cruz, 28 anyos, residente ng Centro East, Santiago City, Rogelyn Yoson, 27, Kristel Francisco, 20 anyos, pawang resident eng brgy.Malvar Santiago City at isang menor de edad na itinago naman sa pangalang “Jenny” at labing anim na taong gulang.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay PCI Reynaldo Maggay, hepe ng Santiago City PS1 ay nagsagawa umano ang mga ito ng entrapment operation matapos maipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang naturang insidente.

Dagdag pa rito ay isang pulis naman ang nagpanggap na costumer gamit ang walong libong piso na boodle money na nagresulta naman sa pagkakadakip ng mga suspek.

Agad namang dinala sa himpilan ng kapulisan ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon habang nakahanda na ang kanilang kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking of Persons Act of 2003.

Facebook Comments

From Advertisers