Apat na testigo na miyembro ng DDS, sinusuring mabuti ni Senator Trillanes

31

Manila, Philippines – Sinusuri pang mabuti ng kampo ni Senator Antonio Sonny Trillanes IV ang sinseridad ng apat pang miyembro ng Davao Death Squad o DDS na planong lumantad at magsalita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes makaraang sabihin ni SPO3 Arthur Lascañas na may apat pa siyang kasamahan sa DDS ang planong magsiwalat ng kanilang nalalaman at sa mga naging aktibidad ng DDS.

 

Ayon kay Trillanes, sinisigurado nilang katotohanan ang ilalahad ng nasabing apat na DDS members.

 

Nais ding madetermina ni Trillanes ang kahandaan ng apat sa posibleng peligro  na maidudulot  sa kanilang buhay ng kanilang planong paglantad.

 

Diin ni Trillanes, ang anumang ihahayag ng apat na DDS members ay magpapalakas at magpapatunay sa mga naging testimonya nina Lascañas at Edgar Matobato.

Facebook Comments