Apat na tricycle driver, nag-positibo sa COVID-19 sa Marikina City

126

Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na nag-positibo sa COVID-19 test ang mga tricycle driver na bumalik na sa pamamasada matapos pahintulutan ang operasyon nito sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Mayor Teodoro, natapos na nito lamang Biyernes ang kanilang targeted testing sa mga tricycle driver kung saan apat ang nagpositibo mula sa kabuuang 5,465 na mga tricycle driver na sumalang sa COVID-19 test.


Paliwanag ng alkalde, nananatili ang apat na tricycle driver sa quarantine facility sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina City kung saan oobserbahan sila sa loob ng 14 na araw.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Marikina City Government sa lahat ng mga nakasalamuha ng apat na tricycle driver.

Facebook Comments