Apat pang batch ng Pinoy repatriates, darating na sa bansa ngayong araw

50

1,200 na OFWS mula sa Saudi Arabia at United Arab Emirates ang darating ngayong araw sa bansa matapos mawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang unang batch na 300 repatriates mula Riyadh via Saudia Airlines flight SV 862 ay darating mamayang ala-una ng hapon.


Ang 300 OFWS naman mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight ay darating ng alas-2 ng hapon.

Habang ang 300 Pinoy repatriates mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332 ay darating naman ng alas-4 ng hapon.

Ang huling batch na 300 repatriates mula Dubai via Cebu Pacific flight 5J15 ay darating bago mag-alas 5 ng hapon.

Facebook Comments