Apat, patay sa hagupit ng bagyong ‘Ineng’ sa Ilocos Norte State of Calamity, idineklara!

Umakyat na sa apat ang patay sa pananalasa ng bagyong “Ineng” sa Ilocos Norte.

Sa ulat, dalawa ang namatay matapos matabunan ng lupa ang tinitirahan sa Barangay Surong at Bayan ng Pasuquin.

Dalawa rin ang nasawi sa Laoag.


Namatay ang isa dahil hindi niya namalayang lumalalim ang baha habang tumutulong sa Rescue Operations at tuluyan na siyang natangay.

Maraming lugar pa rin ang lubog sa baha at parang lawa ang mga palayan dahil sa pag-apaw ng tubig.

Nasa mahigit 400 ang lumikas at nananatili pa rin sa Evacuation Centers.

Nagdeklara na ng State of Calamity sa buong lalawigan.

Facebook Comments