Apat sa 13 pulis na sangkot sa 2013 Pampanga Drug Raid, pinasisibak ng PNP-IAS

587

Pinasisibak ng PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang apat sa 13 pulis na sangkot sa kwestyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013.

Nadikubre ring sangkot sa maanomalyang Buy Bust Operation sa Antipolo noong Mayo sina:


  • Police Lt. Joven De Guzman
  • Police Master Sergeant Donald Roque
  • Police Master Sergeant Rommel Votal
  • Police Corporal Romeo Guerrero Jr

Ayon kay PNP-IAS inspector General Alfegar Triambulo, inirereklamo ang apat matapos taniman ng ebidensya ang isang drug suspect, sinundan din ang suspek sa kanilang bahay at doon kinuha ang kanilang pera at gamit.

Plano ngayon ng PNP-IAS na magsampa ng kaso laban sa mga pulis.

Dati na silang pinatawan ng dismissal order dahil sa kwestyunableng drug raid sa pampanga pero nauwi lamang ito sa one-rank demotion.

Facebook Comments

From Advertisers