Apat, sugatan sa salpukan ng motorsiklo

Valenzuela City – Sugatan ang apat na indibidwal matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City.
Ayon sa rider na si Anthony Teves, nasilaw siya sa nakasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Johnson de Guzman kung kaya’t nawalan siya ng kontrol at sumadsad sa kalsada kung saan naigng grabe ang tama ng angka nito na si Ernesto Pulido.
Depensa naman ng angkas ni de Guzman na si Merly Tibolong, nag-overtake sa isang truck si Teves kaya’t nakasalpukan nila ito.
Agad naman isinugod ang apat sa Valenzuela City Medical Center at napag-alaman na amoy alak si Teves nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments