APATNAPUT SIYAM NA HOG RAISERS SA MANAOAG, NAKATANGGAP NG BABOY

Nakatanggap ang nasa apatnaput siyam na kwalipikadong hog raisers o magbababoy sa Manaoag ng baboy na bahagi ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion ng Department of Agriculture.

Ang mga naturang benepisyaryo ay unang batch ng proyektong Swine Multiplier and Techno Demo Farm sa naturang bayan.

Isa lamang ang Manaoag sa dalawang bayan na mayroong ganitong pasilidad kung saan kumpleto sa kagamitan, bio-secured, at may malinis ang kalagayan ng mga baboy.

Ang pamamahagi ng biik sa mga benepisyaryo ay pinagtibay ng isang Memorandum of Agreement
sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine Crop Insurance Corporation na siyang may layon na maproteksyunan ang mga maliliit na magbababoy laban sa pagkalugi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments