
Kumpyansa ang Area Police Command – Western Mindanao (APC-WM) ng Philippine National Police (PNP) na maidaraos nang maayos ang 2025 Midterm Elections at ang kauna-unahang regional elections sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMM).
Ayon kay PNP APC-WM Commander PLtGen. Bernard Banac, matagumpay ang idinaos na top level security cluster committee meeting sa Bangsamoro at dito inilatag ang seguridad sa nalalapit na halalan na pagtutulungan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ani Banac, tututukan nila ang paglaban sa mga private armed groups, pagpatutupad ng gun ban, at pagpigil sa vote-buying at pananakot.
Maliban dito, sinabi ni Banac na pinatatag nila ang kolaborasyon sa local government at ibang civil society stakeholders.
Samantala, nakikiisa ang Pambansang Pulisya sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan bukas, February 28, 2025.