APEKTADO | Kawalan ng pagkakaisa ng mga nasa gobyerno, nakakaapekto sa pagsasaayos ng gusot sa Kuwait

29

Manila, Philippines – Iginiit ni House Committee on OFW’s Vice Chairman Winston Castelo na magkaisa lalo na ang mga nasa gobyerno para mawakasan na ang krisis sa Kuwait.

Ito ay kasunod ng panawagan ng mga career service officials ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbitiw si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano matapos ang resulta ng rescue operation sa Kuwait na nakasira sa relasyon ngayon ng Kuwait at Pilipinas.

Sinabi ni Castelo na mahirap ayusin ang problema ng mga OFW’s sa Kuwait kung mismong ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para tulungan ang mga OFW’s sa Kuwait ay palaging papasukan ng intriga.

Aniya, tiyak na nakamonitor ang Kuwaiti government sa bansa para timbangin ang pakikipagkasundo muli sa Pilipinas.
Pero, kung mismong ang mga nasa gobyerno ang nagkakahati-hati ay tiyak na malalagay lamang sa disadvantage position at makakaapekto ito sa negosasyon ng Kuwait at Pilipinas.

Dagdag pa ni Castelo, importanteng maipakita sa Kuwait ang pagkakaisa ng bansa para sa pagbibigay proteksyon sa mga OFWs at hindi ang pagkakawatak-watak.

Facebook Comments