Apektadong indibidwal dahil sa pagaalburuto ng Bulkang Taal sumampa na sa mahigit 200,000

54

Umakyat na sa mahigit 215,000 ang mga indibdiwal na apektado ng pagaalburuto ng Bulkang Taal.


Batay ito huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa bilang ng mga apektadong indibidwal mahigit 112,000 indibidwal o 29,424 families ang tumutuloy ngayon sa 416 evacuation centers.

Sa report pa ng NDRRMC aabot na rin sa mahigit 17 milyong piso na mga food at non-food items ang naitulong ng DWSD at DOH sa mga apektado

Tumaas na rin ang halaga ng mga napinsalang pananim at livestock sa Batangas, Cavite at Laguna na umaabot na sa mahigit 3 milyong piso.

Patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na apektado ng pagaalburuto ng Bulkang Taal.

Facebook Comments