
Suportado ni House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy ang pahayag ng business community na dapat gawin ng mabilis ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang hindi ito makaapekto sa katatagan ng ekonomiya at kumpiyansa ng mga mamumuhunan.
Paliwang ni Atty. Bucoy, habang naaantala, tumatagal at lumalawig ang paglilitis ay naguguluhan ang mga tao kaya sila ay nagagalit na humahantong sa pagsasagawa ng rally o mga kilos-protesta.
Diin ni Atty. Bucoy, ang nabanggit na kaganapan ay nakadidismaya para sa mga dayuhang mamumuhunan dahil ang gusto nila ay katatagan.
Dagdag pa ni Atty. Bucoy, ang pagkaantala ng impeachment proceedings ay nakaaapekto rin sa iba pang tungkulin ng mga mambabatas, tulad ng pagbuo at pagpasa ng mahalagang mga panukalang batas.