Apela ng DOJ sa paglaya ni Pemberton, ‘moot and academic’ na

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ‘moot and academic’ na o mababalewala na ang inihaing motion for reconsideration ng Department of Justice (DOJ) na kumukuwestiyon sa naunang release order ng Olongapo RTC kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kasunod ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay Pemberton.

Inamin naman ni Secretary Guevarra na kinonsulta siya ng Pangulong Duterte bago ito nagdesisyon na bigyan ng pardon si Pemberton at ipinaliwanag niya sa Pangulo na sa ilalim ng konstitusyon ay may exclusive prerogative ang Presidente.

Nilinaw rin ng Kalihim na naihain na ng mga trial prosecutor ng DOJ ang kanilang motion for reconsideration bago pa man nakarating sa kaalaman ng DOJ ang intensyon ng Pangulo na mabigyan ng pardon si Pemberton.


Facebook Comments