Apela ng UP Council sa DND na bawiin ang pagkansela ng 1989 DND-UP Agreement, hindi na napapanahon pa ayon sa DND

78

Nagpapatuloy na ang dialogue sa pagitan ng University of the Philippines Council at Department of National Defense kaugnay sa kinanselang 1989 DND-UP Accord.

Kaya para kay Defense Department Spokesperson Director Arsenio Andolong, hindi na napapanahon pa ang apela ng UP Council na bawiin ang pagkansela nang nasabing kasunduan.


Sinabi ni Andolong, nagkasundo na ang dalawang panig na muling magkakaroon ng pag-uusap patungkol sa isyu.

Giit ni Andolong, mas maiging mapag-usapan muna ng dalawang panig ang kanilang stand sa issue na magreresulta sa magandang kasunduan na mayroong balance legal considerations at moral obligations.

Matatandang nitong nakaraang linggo nagpulong sa kauna unahang pagkakataon ang UP Council at DND kasunod nang pagkansela ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 DND-UP Accord.

Facebook Comments