Apela ni Pangulong Duterte sa mga kumpanya hinggil sa pagbabayad ng buwis, kasama ang ABS-CBN – Malacañang

54

Kasama ang ABS-CBN Corporation sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad nang tama ng kanilang buwis para payagan ang kanilang prangkisa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananawagan si Pangulong Duterte sa lahat ng kumpanyang humihingi ng prangkisa, kabilang ang media network.


Ipinapaalala ng Pangulo aniya sa mga kumpanya ang kanilang obligasyon na magbayad nang wasto ng kanilang buwis.

Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na pipigilan niya ang anumang prangkisa kapag nabigo ang mga kumpanya na magbayad nang tamang buwis.

Sa ngayon, mga mga panukalang batas nang nakahain para sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN sa Kamara at Senado.

Facebook Comments