Apl.de.Ap, may mensahe kay KC Concepcion

31

Sa isang bihirang pagkakataon, nagbigay ng mensahe ang Fil-Am singer at record producer na si Apl.de.Ap kay KC Concepcion

Nangyari ito nang mag-live sa Instagram si KC para sa cookout session niya kasama ang best friend niyang si Judy Ann Santos.


Nagpaturo si KC kung paano magluto ng seafood curry na isa sa specialty dishes ni Judy Ann.

Dito ay tuwang-tuwa si Apl sa pagpuna kay KC na natataranta sa pagluluto.

Say ng singer, nakuha raw ba ni Chef KC ang turo ni Juday?

Sa sobrang pagka-aliw ni Apl sa panonood ay nagsabi pa ito na padadalhan siya ng gamit sa pagluluto.

Hindi naman tiyak kung nakita ni KC ang mensahe ng singer.




December 2019, umugong ang bali-balitang nauugnay sina KC at Apl.de.Ap, pero parehong tikom ang bibig ng dalawa.

Facebook Comments