Aplikanteng Maranao, nangunguna sa botohan sa bakanteng puwesto sa Korte Suprema

Isang Maranao Justice ang nangunguna sa botohan ng mga mahistrado ng Supreme Court para sa bakanteng puwesto sa Korte Suprema.

Ito ay sa katauhan ni Incumbent Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao na nakakuha ng labing-isang boto.

Sumunod naman si CA Associate Justice Pablito Perez na may sampung boto, ikatlo sina CA Associate Justice Edwin Sorongon, Precy Padilla at Manuel Barrios na may tig-siyam na boto habang pang-apat at may walong boto si CA Aj Ricardo “Ricky” Rosario.


Pang-limang pwesto naman at may tig-anim na boto sina CA Aj Ramon Cruz at Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez.

Facebook Comments