Aplikasyon sa mga kukuha ng Bar exam sa Nobyembre, bubuksan na sa June 13

57

Magsisimula na ang pagtanggap ng Korte Suprema ng aplikasyon para sa mga kukuha ng Bar exam sa Nobyembre ng taong ito.

Ang application period para sa pagsusulit ay mula June 13 hanggang July 15.

Online ang paghahain ng aplikasyon sa pamamagitan ng Bar Personalized Login Unified System (Bar PLUS) platform.


Sa bar bulletin na inisyu ng Office of the Bar Chair, wala pang eksaktong petsa ng Bar exams na binigay ang Supreme Court.

Facebook Comments